DO NOT BE SCARED TO WALK ALONE

Para sa mga one sided love, nagmamahal ngunit paulit ulit na nasasaktan at para sa nasasaktan pero pilit lumalaban, bes mahaba ito, pero basahin mo at sana makatulong sa’yo sa paggising mula sa bangungot mo.

Lahat tayo, kapag nagmamahal, alam nating masasaktan at masasaktan tayo. Bakit? Kasi kasama sa pagmamahal ang masaktan. Hindi mo masasabing nagmamahal ka kapag hindi ka nasasaktan. At hindi ka masasaktan kung hindi mo mahal. Period. Yon na yon. May mga katanungan tayo sa mga nangyayari sa atin, na hindi pa masasagot sa kasalukuyan. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, may maliit na bagay na makakasagot sa mga katangungang ang tagal nating kinimkim.

Bakit kaya niya nagawa sakin yon?

Bakit hindi siya nakuntento sakin?

Bakit ang sakit?

Bakit parang ako lang ang lumalaban?

Paulit ulit na bakit. Paulit ulit na sakit. Paulit ulit tinatanong ang sarili kung paano at bakit ka niya nagawang saktan na ang tanging gusto mo lang naman ay umibig at magmahal.

Bes, gumising ka. Basagin mo na yang helmet mo sa ulo, na siyang humaharang sa pagharap mo sa katotohanang hindi na siya magbabago. Hindi madali, oo alam ko. Pero wag mong hintayin ns matakot ka nang magmahal ulit dahil lang da isang tao na hindi naman deserve ang pagmamahal na kaya mong ibigay at ibinibigay mo.

One sided love kasi hindi niya kayang panindigan ang mga sinabi niya, ang mga pangako niya at, eto ha, tandaan mo, nagiging one sided love ang isang relasyon kasi ikaw nag titiis para sa ikabubuti ng relasyon. At habang siya naman, paulit ulit na gumagawa ng kalokohan kasi alam niyang hindi mo siya kayang iwanan. Love, galinh ako sa ganyan. Vicious cycle. Mali niya, ako ang magpapakumbaba. Mali ko, ako ang mqgpapakumbaba. Konting sorry, tanggap ulit. Okay na ulit. Umaasa na sana maging give and take naman ang relasyon namin, pero napagod na ako’t lahat lahat, wala pa din naman. Akala ko kami ang magkakampi. Umasa ako don, na “team” daw kami. Pero pucha naman, mag isa kong nilabanan lahat. Worst, isa pala siya sa mga kalaban ko. Sabi ko nga, vicious cycle. Paulit ulit. Nakakapagod. Pero kinaya ko, umalis ako at nagpakatatag ako. Inisip ko yong sarili ko na, hirap na hirap habang siya nagmamataas, na na-over confident at akala noya hindi ko siya kayang iwan. Umalis ka. Tulungan mo yong sarili mong makaalis sa lungkot na binibigay niya. At kahit nakaalis ka na at malayo na ang narating mo, maiisip mo siya pero eag ka munangblumingon kahit gustong gusto mo nang lumingon, kasi hindi pa ito yong tamang oras. Pero wag kang mawalan ng pag asa na sana marealize niya na sinayang ka niya, sige lakad lang. Hanggang sa makahanap ka ng kasama mong maglalakad at makakasama mong tumatawa habang naglalakbay. Pero kahit may kasama ka na, maiisip mo pa din siya.
Kumusta na kaya siya?

Okay kaya siya?

Lumingon ka. Makikita mo na ikaw masaya na at may kasama nang iba, habang siya, hinihingal kakahabol sayo pero hindi ka na niya naabutan kasi huli na niya na-realize na iniwan mo na nga pala talaga siya. Akala niya kasi babalikan mo pa, nasanay kasi siya na kahit malayo ka na, binabalikan mo pa din siya kasi dati siya lang ang gusto mong kasamang maglakbay, dati takot ka sa mga bagong makikilala. Pero, tignan mo, kahit talo at dehado ka dati, tignan mo naman ngayon, ikaw na ang panalo.

Tatandaan, na hindi naman nakakapagod magmahal, ang nakakapagod yong paulit ulit na sakit.

Smile! Be happy, because you deserve to be happy. 🙂

Much love,
DxC 💕 Xx

Advertisements

To The People Who Gave Everything and Felt Neglected

I have been in the same situation with you months before I was able to write this and I felt betrayed by my own self because I gave my all and everything and was only neglected by someone who didn’t know my worth. Feeling it took away all the courage and self esteem I remained for my self. All the possibilities I have been believing and all the hopes that I have been holding into. But I have learned that even in the simplest and smallest ways, I can regain myself from the fall I wasn’t prepared for.

  1. BE THE BIGGER PERSON – If you think you are the one who understands the whole situation you are into, forgive and just leave. It is not easy to forgive, more so, to leave, but if the situation is not making you a good person and not making you happy anymore, learn to leave. Remember that there is someone out there for you who you do not need to question and beg for their time anymore. Forgive, not because they deserve it, but because you deserve a peaceful mind and happiness. Leave, not when you are tired but when you are done, so that there will be what ifs and hang ups.
  2.  KNOW YOUR WORTH – Most of  the time we forget our self worth because we lose ourselves in loving the wrong people we thought are the right ones. We forget how hard the things we passed through to build a stronger foundation for ourselves. But always remember why did you make yourself stronger than you were yesterday. It is not easy to remember those things but there is no one who can fight for you than your own self. Remember always that you made yourself stronger and wiser because you are the owner of your soul. You own yourself. Do not let anyone lose yourself just because they stoop down on your self worth. You are worth of everything. Your worth is too precious to lose. And your worth is the only thing that can save you from losing yourself.
  3. BE NICE TO YOURSELF – Sometimes it is so easy fro us to be nice to other people but we forget how to be nice to ourselves. Why? Because we always listen to what they are telling us and advising us without minding how we really feel about it. We always mind what the people might think and say if we did not do the things they think are right, but hey, it is you and only you can decide what is the right thing for you. Do not be afraid to be yourself just because you are scared of what the others may think. Always be yourself. It is the best of the best weapon that you can always carry. Handy-dandy but powerful.
  4. ALWAYS WEAR YOUR SMILE – I know it is not going to be easy to smile when you really are going through into something but always be confident and let them wonder how you are still smiling with all the challenges you are facing. Show and prove them that you can stand up again after scratching your knee from the bad fall you wen through and that you can recover after drowning yourself from your own tears.

These are the things that I did to regain myself after being neglected and I admit that it is not easy. But when you learn to let go of your wearies and fears, everything will fall into the right places. You can do it! 🙂

Much love,

DxC 💕 Xx

Lost and Damaged 

Para naman ito sa mga taong nagmahal ng sobra ngunit na-take for granted at hindi pinahalagahan. Mga babaeng nag aakala na mission sa isang relasyon ang gawing mabuti at baguhin ang karelasyon nila. Bes, ihanda mo ang kabilang pisngi mo, masasampal ka ulit ng katotohanan, sa pangalawang pagkakataon.

Minsan darating talaga tayo sa punto na iisipin natin, “Binigay na mission sa akin ni God ‘to. Para baguhin at tulungan tong tao na ‘to para maging better version of himself”. Pero hindi pala. Mali pala. Kaya ko nasasabi ‘to kasi personally, as usual, na-experience ko na ‘yan. Oo bes!! Meron pa akong kaibigan na pinagsabihan ko niyan. Naalala ko ang sabi ko sa kanya “Ate, baka naman isa to sa mga mission ko sa buhay na ‘to, ang tulungan siyang maging better at maging okay.” E syempre since kaibigan niya ako, at mahal ko yong pinag uusapan namin, tinolerate niya ako. Pero hindi naman siya nagkulang sa pagpapaalala sa akin na, “Basta ingatan mo lang ang puso mo kasi iisa lang yan.” Mga bes, sa kagustuhan kong maging okay siya , matulungan siya at mahanap ang tamang landas, ako mismo ‘yong naligaw. Ako ‘yong nawala. Hindi ko na makilala ang sarili ko. Nawala ‘yong ngiti ko na kapag isinuot ko kasamang mag niningning yong mga mata ko. Nawala yong pagka jolly ko. Lagi akong umiiyak. Lagi akong malungkot. Lagi akong nagmumukmok. Ni hindi ko na alam kung anong nangyayari sa akin.

Oo mga bes, nagmahal ako ng isang lost at damaged man. Akala ko nong una, mission ko yong matulungan ko siya. Na tipong lahat ginawa ko para sa kanya. Pero hindi niya nakita yon. Lahat ng nakikita niya pagkukulang ko. Kesyo daw wala kong oras for him, hindi ko magawa puntahan siya kasi hindi siya mahala aa akin. Oh please, fuck that. He had all my free time. I tried everything to help him, pero doon ko napatunayan na never mong matutulungan ang isang taong ayaw magbago. Never mo siyang madadala sa tamang landas kung siya mismong naligaw ayaw bumalik sa tamang landas. Na sa tingin mo tinutulungan mo siya pero ang tingin pala niya, minamaliit mo siya. Na ang gusto mo lang maging masaya siya pero ang tingin niya ginagawa mong kumplikado ang lahat. Bawat galaw mo at sasabihin mo sa kanya, dahilan. Nawala ako sa thought na “Mission ko ‘to. Tutulungan ko siya.” kaya nahirapan akong hanapin yong daan ko para makauwi. Dumating sa point na kinakausap ko na ‘yong sarili ko sa salamin. Sinasabi ko “Nics ano na? Maawa ka na sa sarili mo. Tama na.” May pagsampal pa akong nalalaman sa sarili ko mga bes, akala mo baliw na hindi nakainom ng gamot. May pag iyak pa ako non. Matutulala nalang ako bigla, tapos hindi ko namamalayan, umiiyak na pala ako. Minsan naman parang ‘yong mga napapanood ko pa sa teleserye na, sasandal sa pader o kaya sa likod ng pinto tapos nag uumiyak, tapos paunti unting bababa hanggang sa mapaupo sa sahig. Walling ang tawag ko don! Hahahaha. But anyways oo, ganon nga. Ako pa mismo nagpakumbaba maayos lang lahat pero ang natanggap kong sagot, puro pag mumura. Na kesyo puta daw ako. Hindi na daw niya ako mahal, madali lang daw ako burahin sa buhay niya. Ipinamukha pa niya sa akin na mas okay daw yong ex niya. Understanding daw yong ex niya, never siyang sinigawan blah blah blah. So ako, iyak nalang. Hanggang iaang araw, nasabi ko sa sarili ko, ayoko na. Tama na. Kaya ito ko ngayon, masaya.

Bes, ito yan e. Kung akala mo, binigay siya ni God na mission mo sa buhay, MALI KA. Binigay siya ni God sayo para padaanin lang sa buhay mo kasi alam niya hindi ka pa ganon ka-strong kaya gagawin ka niyang stronger than you were yesterday. Bes dapat mong malaman na hindi ikaw ang makakatulong sa kanya kundi sarili din lang niya. At kung sa tingin mo ikaw na mismo yong nawawala sa kagustuhan mong makatulong, then it’s time for you to find your way back home and leave. Hindi madali pero isipin mo ang sarili mo. Again, SAVE YOURSELF. It is better to lose someone that to lose yourself. Mas mahirap kapag mismong sarili mo na ang hindi mo mahanap at makilala, kaya habang mas maaga pa, tumakbo ka na bes, papalayo. Pwede mo siyang lingunin, pero wag mo nang balikan.

At lagi mong tatandaan na, He was NOT your mission but your LESSON. To be a better version of yourself. 🙂

Much love,

DxC 💕 Xx

Be the bigger person 



DISCLAIMER: This is written in Tagalog, I’m so sorry to my readers who do not understand tagalog. Just give me this one post. I’ll make it up to you. PEACE!


Para ito sa mga babaeng broken hearted, may pinag dadaanan o kaya naman hindi alam ang worth nila. Bes, ihanda mo ang pisngi mo, dahil masasampal ka ng katotohanan….

Kadalasan, kapag mahal mo ang isang tao hindi mo namamalayan na nabubulag ka na ng pagmamahal mo para sa kanya. Masama man ang tingin ng ibang tao sa kanya, mabuti pa rin para sa’yo. Ipagtatanggol at ipaglalaban mo pa din siya sa mga magulang mo, mga kaibigan mo at sa mga taong salungat sa pagmamahalan niyo. Bakit? Ang palagi kong naririnig at natatanggap sa tanong na ‘yan e “Mahal ko e” o kaya naman “Hindi ko kayang mawala siya, titiisin ko na lang baka naman magbago”. Teh, hindi ko sinasabi na expert ako pagdating sa mga ganyang bagay pero kasi napagdaanan ko na yan. Lumuhod ako sa harap niya at nagmakaawa. Nagpapakumbaba kahit hindi ko naman kasalanan. Umiintindi kahit siya hindi naman ako kayang intindihin. Humagulgol sa harapan ng mga kaibigan ko. Makipag kwentuhan sa best friend ko sa telepono ng tatlong oras para nakalimutan yong sakit na nararamdaman ko. Minura mura ako, sinabihan ako ng puta daw ako. Kahit alam kong hindi naman totoo, pero paulit ulit na sinasabi sakin kaya parang naniniwala na ako. Ganon yon diba? Na kapag paulit ulit sinasabi sayo, maniniwala at maniniwala ka na kahit hindi totoo.  Hanggang isang gabi, bago ako matulog nagdasal ako, sabi ko “Papa God, pakitanggal na po lahat ng sakit sa puso at dibdib ko. Ang bigat bigat na po e. Hindi ko na po kayang buhatin”, sabay hagulgol na parang batang hindi ibinili ng nanay niya ng nakitang laruan sa mall. Ni hindi ko na nga alam na nakatulog ako habang umiiyak at humahagulgol. Tapos paggising ko, ang gaan gaan ng feeling ko. Naisip ko siya, pero hindi na ganon kasakit. May konti pang luha pero hindi na gaya ng dati na sunod sunod silang dumadaloy sa pisngi ko na tila ba may contest sila ng karera.

Teh, kung ganitong ganito man ang pinag dadaanan mo ngayon, ang maipapayo ko, SIGE LANG. Kasi alam mo kung bakit? Ganito lang yan e, kahit ano pang sabihing payo sa iyo hanggang may maibibigay ka pa, hindi ka papaawat. Mananawa lang ang mga kaibigan mo kakapayo sayo pero babalikan mo pa din yang jowa mo for sure. Hanggang kaya mo pa, hindi ka titigil. Hanggang alam mong may pag asa pa, aasa ka. Hanggang sa maubos ka na. Hanggang sa hindi mo na kayang pasanin yong bigat ng nararamdaman mo. Yong tipong mas madami pa yong iyak at sakit kaysa sa masasayang moments.

At kapag ubos ka na, don mo marerealize na tama na. Kapag hindi mo na kaya, maiisip mong sumuko na lang. Pero syempre hindi ka basta basta susuko, mag hohold on ka pa din for sure, pero teh, gising! Tigilan mo na yang pag iilusyon mo na baka nga naman magbago pa. Bes, pang teleserye atbpang movie lang yong galawang yon. Kasi teh, ang ugali ng tao mahirap baguhin. Kapag nasa personality at attitude na niya yon, malabo nang magbago pa. Save yourself teh. KNOW YOUR WORTH. Umahon ka. Kung hindi ka na nagiging mabuting tao at hindi ka na masaya, be the bigger person. LEAVE. I repeat, LEAVE.

Oo, teh. Hindi ganon kadali. Alam ko yan! Alam na alam ko yan. Sus, ako pa ba? E dakila din akong tanga pagdating sa pag ibig. Pero teh, kita mo naman naisulat ko to ngayon kasi kinaya ko. Kaya for sure, ikaw kakayanin mo din!

Isipin mo, hindi naman talaga yong tao ang pinang hihinayangan mo e. Kundi yong memories na ginawa niyo together at yong mga nakasanayan mo. Maiisip mo may pinagsamahan din naman kayong maganda. Pero bes, tanggapin mo na na hanggang doon na lang yon. Move forward. Lingon lingon, madaming iba diyan na mas deserving sa pagmamahal na ibinibigay mo. Isang tao na kayang tumbasan o mas higitan pa yong kaya mong ibigay at gawin sa ngalan ng pag ibig.

HINDI TALAGA MADALI MAG MOVE ON, PERO KAYA!

Teh, lagi mong tatandaan, maganda ka. Sa bilyo-bilyong tao dito sa mundo merong isang taong para sayo at para sayo lang. Kaya wag kang magsettle sa taong hindi kayang suklian man lang yong pagmamahal na itinataya mo. Kasi deserve mo maging masaya. Lahat tayo deserve natin maging masaya. Pero choice mo pa din kung ano ang mas pipiliin mo, ang maging malungkot o maging masaya.

Much love,
DxC 💕 Xx

A Letter For You – RVCS

These past few days, I have been thinking what went wrong with the love that you and I shared. We loved each other. It was shown and felt. There was no doubt.  
We laughed, argued, sang, went on a road trip and made love all night.

 

 

Then one day, everything went wrong. You started cursing me and looked down on me, as if you didn’t love me. But I stayed and chose to love you still. I told you that I am the most gullible person in the entire world but I stayed because I was holding on to the promises and plans we once made, and I stayed because I thought you were the one. For eight months I stayed in our relationship where all I did was give pure understanding and love to you. But eventually I got tired, I was too exhausted to give and I was too weak to understand. You pushed me to my limits. You pushed me farther from you. So I walked away. I left and ran…. away from you.

 

 

I can still remember the nights I cried myself to sleep… the pain that you caused me… the heartbreak that tore me. I can still clearly remember the exact words that you said to me. How you accused me as someone I am not, turned me down, neglected, and took me for granted.

 

 

I loved you. I gave you everything and I could have given up anything for you. You were my everything, my life and my world. I tolerated every vices you had. I supported you in every way I could. I cheered you up every time you felt down. I appreciated you even in the simplest ways. But you didn’t see them. You didn’t see what I gave and did because you were so busy taking me for granted, you were too busy hating me and ignoring me. You thought I could not and would not leave you but please know that even the kindest and purest hearts get tired when ignored. But after everything that has transpired, I want you to know that I am still wishing you happiness, because you deserve to be happy, baby. I am praying that you find your way back home, the place that you left when you learned how to hate people.

 

 

I can still see the goodness in you, even after you hurt me. Nobody knows how much you love your mother as much as I do. Nobody knows how much you love the beach as much as I do. Nobody knows how much love a boy like you can give as much as I do. I loved everything about you. I saw your soft side that you showed to no one else except for me and that is why I found it too hard to leave you before.

 

 

 

If you would be able to read this, I hope you are happy. I hope you are doing fine. I hope you are wearing that smile you used to wear. I want you to know that I still care for you. You may not believe it, but I still do. I forgive you and I am praying for you.
Much love,
DxC 💕

5 Things to visit and do when in Dubai

Credits and thanks for the photo ✌️

Credits and thanks for the photo ✌️

Credits and thanks for the photo ✌️

Credits and thanks for the photo ✌️

Credits and thanks for the photo ✌️

Credits and thanks for the photo ✌️

Credits and thanks for the photo ✌️

Credits and thanks for the photo ✌️

It is my first time in Dubai and I am dumbfounded on how beautiful the places and this country is. I was checked-in in one of the paradise of Dubai, the Atlantis, The Palm. This hotel is pricey, very pricey but worth your money. They have their own spas, private beach, pools, restaurants and etc. And in my 14 days of being here, I want to share to you the must things and dos when you get to visit.

1. SKYDIVE DUBAI

On my 1st day in Dubai, basically I went straight from the Airport to the Hotel. Again, I was so stoked on how wonderful the Atlantis is. But eventually, as we all do, we want to discover and experience things about the places that we go to. I went to Skydive! Yes, I am a very adventurous person. Don’t ask me why and don’t judge me because I am just so fascinated to do  extreme things.

This cost me 2000 AED videos and photos are included. It was a great experience, though it’s already my third time to Skydive. I jumped with Benji and he is very cool. If it is your first time to Skydive, babe, it doesn’t hurt to conquer one of your fears sometimes.

2. DESERT SAFARI
I went to the Desert Safari both Abu Dhabi and Dubai. And yes, for work. I was very excited to see how deserts look like and it stunned me slack-jawed. Run and walked bare footed, had a photo with the camels and please, I rode the camel. Hahahahahaha. It was my first time to see camels face to face. Please, give this to me. 😂

3. BURJ AL ARAB

I have nothing much to say about this but to just visit the place. Every money you’d be spending will be worth it.

4. BURJ KHALIFA

Babe, it is the tallest building in the world. Plus I am the world’s most gullible person, so it ain’t bad if two of the “most” of the world meet sometimes. Hahahahaha kidding! Seriously, this place is also a must visit. Not because it is the world’s tallest building but it also has a fucking nice view from the top. It’s wonderful for me, I don’t know on your part. Hehehehe.

5. BE FRIENDLY

I have a friend from the Philippines who works in an IT Consultancy Company in Dubai and I am happy to know that she’s doing well. Talked to her Director and Team which makes me again the most shameless girl in the world. Yes friends, you can either call me the most shameless or  the “Miss Congeniality” of the Philippines. There is nothing much to loose when you try to be friendly. It’s not like every day that you get to know and talk to people like them, so it doesn’t really hurts to be nice. Plus having known some awesome people like them, an amazing website is coming my way. Hahahahaha. I am just too excited to launch and share it to you guys and  I can’t wait any longer! 😂

There you go. I’ll keep you guys posted. ☺️

Much love,

DxC 💕 Xx

Please, rescue me.

There are times that I don’t really share what am I really feeling, I always tend to monopolize them by myself until I break down. There are moments that I don’t want to talk to anyone like they’ve wronged me just because I want some time alone, but most of the days I just want to be with someone who would listen to my rants and stories then give me some pieces of advice even if I don’t ask them to.

I am learning every day with the people who surround me. Learning things that I thought I wouldn’t need or want in my life.

One thing I learned, is to never guard your heart too much. I mean, it’s okay to guard your heart. If it has been broken so many times or if you are too scared to entrust it to the wrong person again. But don’t make it to the point that you cannot feel a thing anymore. Don’t let the coldness and vengeance eat you. I’m sure you know what I mean. Again, it’s okay. But what if there is someone out there who is really into you and you just don’t know because you’re too busy guarding your heart, building walls as high as the sky and turning people down?

Babe, I’ve been there and done that. Really. I built my walls up, I cannot feel a thing, I made sure that no one can EVER climb the walls I built, that no one can warm my coldness but then eventually I’ve missed my old self and I’ve missed the days when I can easily talk to one person all day, all night without getting bored.

Honestly, these past few days I have been battling with my heart and mind. Whether to trust that person again or not. So, I trusted him again but then he made me realized that I should have not. In short, pinag mukha niya akong tanga.

That night, I was crying silently. I have read that it is the worst type of crying, the one when everyone is asleep, where you feel it in your throat and your eyes become blurry from the tears. The one where you just want to scream, where you have to hold your breath and grab your stomach to keep quiet. The one where you can’t breathe anymore. The one when you realized the person that meant the most to you betrayed and disappointed you.

I believe in the saying that God never shuts one door without opening another because that very moment when I was feeling down and alone, a man with pajamas on knocked on my door and told me, “You can cry on my shoulders, I can lend them to you always.” Without hesitations I cried my heart out like a baby looking for his mother, like a fat kid asking his father to buy him his favorite ice cream and like a widower who mourns for her loss.

No words came out, he just let me hugged him, cry on him, he who is caressing my back and hushing me,  until I was able to whisper
Please rescue me.” I was struggling to speak, sniffing and wiping my tears that were racing to collapse on my cheeks. He once again hushed me and told me that I don’t deserve a man who can’t be man enough for himself and for me. I don’t need a man who cannot even be true and be honest.

What I am trying to imply here is, be with someone who have seen you cry and would still say you’re adorable. Somone who have seen your worst but still accepts who you are. Someone who have seen your flaws, knows all about you but still loves you and be with someone who you have been turned down for so many times but still sticked to you. Because that someone is the one who really knows how weak you are but still sees you brave. Who knows how strong you can be but also knows how needy you are. Knows how humble you are but sees that at some point you are greedy.

I thank God for giving me my guy just when I needed him the most. I will be forever grateful for having him with me. Hindi ako nangangamba na baka lokohin niya din ako kagaya ng ginawa no’ng taong pinagkatiwalaan ko, kasi alam ko sa sarili ko na hindi niya kayang gawin. Hindi ako takot na hindi kami mag usap at magsama sa isang araw kasi alam ko na ako lang talaga at walang iba.

To the girls who have been cheated on, I hope you find the courage to trust again. I know you can. Kasi ako kinaya ko ulit. Pero, piliin niyong mabuti ‘yong pagkakatiwalaan niyo ulit. ☺️😊

Much love,

DxC 💕 Xx

When in Dubai…. 


It isn’t my first time to Skydive. I’ve already tried Skydiving in Australia and in the USA. And yes guys, I am a very adventurous type of girl you’ll ever know. Cheret!! 😂

This is my first time in UAE. (Thank you to my work for taking me into wonderful places).

I’ll be having a shoot for a new commercial here in Dubai and in Abu Dhabi. I am very well excited for it.

Sharing this experience/s with you guys is a must not because I want you to envy me but because I want to inspire each one of you who is like me – a dreamer.

I started my career at a very young age. And I wasn’t able to enjoy my childhood because I have some workshops and trainings to attend. While everyone was busy playing in the streets, I was too busy making and building myself into who I am right now. And I think, it’s a good thing after all. ☺️

If you dream big, you can always achieve it. Of course, with perseverance, patience, hard work and discipline.

I couldn’t tell you guys how much I wanted to be the person I am today. But I can still remember the days I prayed in tears for the things I have right now.

To end this, I want to encourage you to always aim high and dream as many dreams as you want and achieve it. ☺️

Much love,

DxC 💕 Xx

FREE 


Today, I woke up feeling so happy and refreshed from all the negativity that’s bothering me and messing up with my mind the past few days…. yes, friends. I experience that most of the time. Hehehe.

My mind has been miserable for the past few days for some insecurities and reasons. Yes, I am insecure. But aren’t we all?

Insecure in a relationship where I wasn’t so sure whether I am the only one or there’s another girl involved. Bitch, yes. But I realized that I should just let go. Again, yes.

My friends were asking how could I possibly make everything look okay when the truth is I am hurting?

Yes, I was hurt. But again, I was just able to accept the fact that life is unfair. Life offers us unfairness, whatever it gives us, good or bad, there will always be unfairness. I also learned to forgive people even if they don’t care that they hurt you. Acting like they don’t know that they hurt you. As if you were nothing. As if you weren’t hurt by them.

But I am not hurting anymore. I am happy and contented to what are being given to me right now. I am blessed and thankful enough to the people who stayed, never cheated on me and didn’t even dare to lie to me.

I was able to forgive without explanations given by the ones who hurt me, and I hope you could too. Don’t let your anger eat your soul. Because love, you are better than that.

Kung ikaw ‘yong mas nakakaintindi, intindihin mo na lang. Kung sa tingin mo ikaw ‘yong bigger person, be it. Smile, there’s so much more to life that to what you are feeling right now! ‘Yong mga taong nakasakit sa atin, konsensiya at karma na nila ang bahala sa kanila. If you’re still waiting for an explanation, sana ibigay niya sa’yo. Para sa peace of mind mo. At para may closure, pero kapag wala, at nanaig ang pride at ego niya, ngumiti ka pa din. Isipin mo, hindi naman ikaw ang nawalan. Kaya, smile ha? 😊

Much love,

DxC 💕 Xx